Dismayado si Hidilyn

Inquirer Libre - Davao - - SPORTS - Ni Bong Lozada @BLozadaINQ

HINDI naitago ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ang pagkadismaya sa kasalukuyang sitwasyon ng weightlifting sa bansa. Tinukoy ni Diaz ang kawalan ng mga pasilidad para magamit ng mga atletang Pinoy.

“Isa sa aking kabiguan ang hindi pagpapabuti ng weightlifting,’’ sabi ni Diaz sa mga mamamahayag sa College of St. Benilde Huwebes. “Gamit pa rin ang mga lumang barbell at hindi nagbago ang mga pinagsasayang lugar.’’

Sasabak si Diaz sa Asian Indoor and Martial Arts Games ngayong Setyembre sa Turkmenistan. Ito ang una niyang internasyonal paligsahan matapos makuha ang pilak sa Rio.

Wala sa kalendaryo ang women weightlifting sa Kuala Lumpur Southeast Asian Games ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi manood sa Diaz bilang suporta sa kapwa weightlifter na si Nestor Colonia at iba pang mga nasyonal.

Bigo si Colonia na makamedalya.

Humanga si Diaz sa Malaysian weightlifting gym at iba pang mga pasilidad.

“Good to see how beautiful the sports training center of Malaysia Team is,” sabi ni Diaz sa kanyang Instagram Agosto 29. “How I wish we have the same sports center, support, care, and attention Malaysian athletes receive from their country.”

Sinabi ni Diaz na malayong ikumpara ang mga pasilidad ng Pilipinas sa Malaysia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.