Magic Johnson, 8 pang atletang lumaban sa HIV/AIDS

Inquirer Libre - Davao - - PANGUNAHING PAHINA -

KILALA ang mga atleta bilang palaban at hindi sumusuko sa anumang hamon. Ngunit paano kung ang makatapat nilang katunggali ay karamdamang wala pang lunas?

Bilang obserbasyon sa World AIDS Day na inalala nitong nagdaang Biyernes, inalam ng LIBRE ang ilang atletang may HIV/ AIDS.

9. Glenn Burke (Baseball)

Si Burke ang unang baseball player na umamin na gay. Naglaro siya sa Major League Baseball para sa Los Angeles Dogers at Oakland Athletics mula 1976-1979. Namatay si Burke noong 1995 sa edad na 42 dahil sa AIDS-related complications.

8. Esteban de Jesus (Boxing)

Naging HIV positive ang Puerto Rican boxer dahil sa infected needle na ginamit para sa drug enhancers, na naging daan para magkaroon siya ng AIDS. Namatay siya sa edad na 37 noong 1989 na may professional record na 58 (33 KO)-5-0.

7. Tommy Morrison (Boxing)

Sa kanyang retirement noong 1996, nalaman ni Morrison na positibo siya sa HIV. Sa kanyang mga panayam, sinabi niya na ito ay dulot ng “permissive, fast and reckless lifestyle.” Nagbalik siya sa ring noong 2007 at 2008 at nanalo. Pumanaw siya noong 2013 sa edad na 44. Lumabas din siya sa pelikulang Rocky V noong 1990 kasama si Sylvester Stallone. May record siyang 48 (43 KO)-3-1.

6. Arthur Ashe (Tennis)

Si Ashe ang unang AfricanAmerican na nagwagi ng men’s singles title sa Wimbledon at US Open. Siya rin ang unang black American na naging ranked 1 sa buong mundo. Tatlong beses din siyang nag grand slam. Pinaniniwalaang nakuha ni Ashe ang HIV mula sa blood transfusion para sa kanyang heart bypass surgery. Noong 1992 niya isinapubliko ang kanyang kondisyon at naging advocate kontra ng HIV at AIDS. Itinatag niya ang Arthur Ashe Foundation for the Defeat of AIDS at ang Arthur Ashe Institute for Urban Health bago siya mamatay noong 1993 sa edad na 49 dahil sa AIDS-related pneumonia.

5. Mike Beuttler (Car Racing)

Si Beuttler ang unang Formula One driver na umaming bading. Nagretito siya noong 1974 at makalipas ang 14 taon ay pumanaw sa edad na 48 dahil sa mga komplikasyon ng HIV at AIDS.

4. John Curry (Figure Skating)

Si Curry ay British figure skater at 1976 Winter Olympics gold medalist at 1976 World Champion. Noong 1987 inamin ni Curry na siya ay HIV positive. Makalipas ang apat na taon, naging full blown AIDS ang kanyang kaso. Namatay noong 1994 sanhi ng AIDS-related heart attack.

8. Bill Goldsworthy (Ice Hockey)3

Si Goldsworthy ang unang hockey player na nagka-AIDS. Naglaro siya para sa National Hockey League sa North America sa loob ng 14 season mula 1964-1978. Sa isang pahayagan sa Amerika, sinabi niya na lumala ang kanyang kondisyon dulot ng labis na pag-inom at unprotected sex. Namatay siya noong 1996 sa edad na 51.

2. Greg Louganis (Diving)

Si Louganis ay American Olympic diver at LGBT-rights activist. Nagwagi siya ng dalawang gold medals sa 1984 at 1988 Olympics. Itinuturing din siyang ‘greatest American diver’. Nagpositibo siya sa HIV noong 1988, at ibinahagi ang kanyang mga pinagdaanan sa best-selling autobiography na "Breaking the Surface". Ngayon ay 58anyos na si Louganis at nagsisilbing mentor ng US Olympic diving team bukod pa sa pagiging motivational speaker na naglalayong bigyang pag-asa ang mga taong dumaranas ng sakit.

1. Magic Johnson (Basketball)

Bago ang NBA 1991 Season, ginulat ng Los Angeles Lakers star guard ang mundo nang sabihin na siya ay positibo sa HIV. Dahil dito, agad siyang nagretiro. Sa panahong ito, ang AIDS ang numero unong sanhi ng pagkamatay ng kalalakihan sa pagitan ng edad 22-45. Mahigit 26 taon nang nilalaban ng NBA legend ang sakit. Sa kasalukuyan, ang 58-anyos na si Johnson ay masigasig na HIV activist bukod pa sa pagiging sports analyst at negosyante.

Magic Johnson

Greg Louganis

Bill Goldsworthy

Arthur Ashe

Esteban De Jesus

Mike Beuttler

John Curry

Glenn Burke

Tommy Morisson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.