Long distance love affair

Inquirer Libre - Davao - - INFOTAINMENT - PHER MENDOZA

Dear Besh,

I have a boyfriend of four years. Ngayon po ay aalis na siya papuntang Korea para doon magtrabaho.

Parang I can’t take this, besh. Sabi niya huwag daw akong bibitiw sa relasyon namin at pinangakuan pa niya ako ng kasal ‘pag uwi raw niya at pag nakatapos na ako sa kolehiyo. Anong gagawin ko? Cassandra

You’ve got a lovely name, besh. Alam mo dear, hindi naman natatapos ang relasyon dahil mangingibang bansa ang partner mo. Pero gusto ko sanang malaman kung tinanong ka niya kung ano ang opinyon mo sa kanyang pagpunta sa Korea; kung oo at pumayag ka naman, well you have to own up to your decision.

Pero kung parang by the way na lang ang paalam niya sa 'yo, aba'y masakit nga yan dahil you are left with no choice.

Napag-usapan n'yo ba kung gaano siya katagal doon? Kung one-way trip lang yan at walang sure date back to the Philippines, aba'y mahirap nga yan.

Pero do not fret! Aba, maraming way para mag-work ang ganitong set-up. Stay positive.

First, defy the distance. As a long distance couple, importanteng may gawin kayong sabay besides the usual phone calls. Sa long distance relationship madalas nagiging boring ang pag-uusap sa telepono in the long run. Maganda kung may iba kayong activity. May alam akong mag-jowa, sabay silang nanonood ng movie or TV show over the Internet.

Hangga't maari, mag-Skype or video chat everyday. Importanteng ma-maintain ang contact at updated kayo sa buhay ng isa't-isa as much as possible.

Communicate in some way every day more than once if possible. Dahil hindi kayo magkasama, importanteng maestablish at ma-maintain ang inyong emotional connection. They don't always have to be long, in-depth conversations. Ask him for advice. Write love letters.

Lastly, take advantage of the benefits of LDR to pursue your personal interests, like a new hobby, time with friends and families, getting fitter, getting good grades, etc. Madaming pwedeng gawin upang ma-improve ang sarili and this is the best time. Huwag mo lamang kalilimutan na you're still in a relationship.

Besh, may problema ka ba kay GF,BF, or sa misis o mister kaya? Sige na bwisitin mo ako pero papayuhan pa rin kita. Email lang sa librepamore@gmail.com

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.