Itim na Nazareno: Anong alam mo sa kanya?

Inquirer Libre - Davao - - PANGUNAHING PAHINA -

BUKAS, milyon-milyong deboto ng Itim na Nazareno ang dadagsa sa Quiapo para makiisa sa taunang Traslacion.

Pero bago ka pa sumabak sa balyahan para mahaplos ang napakatanda nang imahe ng Nazareno, gaano mo ba talaga ito kakilala?

Narito ang ilang mga mahahalagang bagay na dapat mong malaman tungkol sa itim na Poon.

Ang prusisyon ng Itim na Nazareno ay pag-alala sa paglilipat ng estatwa na gawa sa kahoy mula sa Recollect church sa Intramuros patungo sa Saint John the Baptist Church sa Quiapo noong Enero 9, 1787. Ang tawag sa paglilipat na ito ay Traslacion.

•Gawa sa Mexico ang orihinal na rebulto ng Nazareno pero hindi matiyak kung sino ang umukit nito.

•Dinala ang imahe ng mga pari noong 1607 at nasunog habang nasa barko. Ito ang dahilan kung bakit nangitim ang kahoy nito.

•Maraming deboto ang nagpapatotoo sa himalang dala ng Poon gaya ng isang radio operator na nalinis ang bara sa daluyan ng dugo noong 1960s. Bago sumailalim sa mahal na operasyon nagdasal siya sa Nazareno at himala na gumaling nang hindi naooperahan. •Noong

1650, nagpalabas ng papal bull si Pope Innocent X para sa mga deboto ng Nazareno at pagtatayo ng Confradia de Jesus Nazareno.

•Kinilala ni Pope Pius VII ang mga deboto ng Itim na Nazareno noong 19th century.

•Sa kasalukuyan ay dalawa ang imahe ng Nazareno na nasa Quiapo. Ang bawat isa ay mayroong bahagi na mula sa orihinal na imahe. Ginawa ito ni Gener Manalaqui.

Ang ipinaparada tuwing pista — Enero 9, ay mayroong orihinal na katawan pero ang ulo nito ay replica.

•Sa traslacion, isinasakay sa carroza ang imahe at hinihila ng dalawang tali na may habang 50 metro. Ang tali ang hinihila upang umusad ang carroza.

•Ang pinakamahabang traslacion ay noong 2012 na tumagal ng 22 oras.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.