Working Force: Janitors, dishwashers, construction workers hagip ng TRAIN

Inquirer Libre - Davao - - PANGUNAHING PAHINA - ALAN TANJUSAY

ANG mga janitors, dishwashers at construction workers ay ilan sa 30.6 milyong manggagawa na hindi magbebenefit mula sa personal income tax exemption sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN), pero apektado pa rin sa pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin at services dulot din ng nasabing tax reform program ng administrasyong Duterte.

Mabigat ang impact nito sa atin, higit sa mga maliliit na manggagawa dahil iindahin natin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

These are life-changing adjustments for poor Filipinos, lalo na kapg hindi nabigyang proteksyon ng pamahalaan ang mga ito mula sa mga profiteers o silang mapagsamantalang. Kapag hindi mabibigyang proteksyon, then the Duterte administration is in big trouble.

Government estimates there are around 30.6 million workers in the formal and informal sectors working in manufacturing, services, agriculture and agri-business jobs nationwide who are now affected by the TRAIN-driven rise of prices of commodities and services.

Bukod sa iyo, apektadong higit ang mga magsasaka, mangingisda, vendors, drivers (jeepney, tricycle, pedicab, UV express), kasambahay, labandera, karpintero, mason, tubero, electrician, repairmen, welder, auto and motorcycle mechanics, carwashers, jeepney and UV express barkers, garbage collectors, janitors and all maintenance clerks. Kasama din ang mga street sweepers, freelance and home-based workers, self-employed, janitors, family drivers, company drivers, sewers, beauticians, barbers, sales ladies, porters, baggers, packers, salesladies and salesmen, promodizers, gasoline boys and girls, production assistants, salesclerks, messengers, cooks, waiters, security guards, planters and harvesters.

Sila na kabilang sa mga sinasabing poorest of the poor, sila na walang mga trabaho ang tiyak na tutumbukin ng rumaragasang TRAIN.

We reiterate that should the administration fail to provide effective, sustainable and functional social safety nets for these types of workers, saan na lang sila pupulitin kundi sa lalo pang pinatinding kahirapan.

Living in extreme poverty, more people will resort to illegal and immoral means to survive. Yung iba naman baka mapilitang umalis patungong ibang bansa para doon makapagtrabaho.

Others would turn to illegal activities, from theft to robbery to selling drugs, to augment income and escape poverty.

Nawa’y maging epektibo ang pangongolekta ng Duterte administration sa buwis ng TRAIN para maibalik kaagad sa atin ang biyaya ng ating sakripisyo. Panalangin din natin nawa’y maprotektahan tayo ni Digong mula sa iba’t ibang uri ng profiteering.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.