Belles of the ball, Kris Aquino and Kimxi

Inquirer Libre - Davao - - PANGUNAHING PAHINA -

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-move on ang publiko sa engrandeng debut ng Presidential Granddaughter na si Isabelle Duterte sa The Peninsula Manila's Rigodon Hall.

From the controversial shoot in Malacanang to the bonggang invites to the breath-taking Michael Cinco ball gown and to the ceiling-high cake, everyone can't seem to get enough of the "debut of the year."

In recent years ay iilang "comings out" ng mga celebrities lamang ang naka-capture sa atensyon ng publiko, na pinag-usapan hindi lamang sa showbiz circles, at in-aspire ng mga young girls, from the metro to the barrios.

Narito ang ilan, na kung kukwentahin ang ginastos ay mas magarbo pa sa kasal.

Claudia Barretto

Nag-debut si Claudia Barretto noong August 2017 sa Whitespace Manila sa Makati. The venue was swathed in fabric and ribbons. Sa centerpieces ay may mga matataas na flower vase, mga makukulay na bulaklak at grand candelabras. Dalawa ang isinuot niyang gown-a champagne-colored sweetheart number na may bead embellishment na gawa ni Mark Bumgarner, and a light blue creation ni Patty Ang na may fringe-like details sa skirt. Kathryn Bernardo May minimalist touch with feminine elements ang dekorasyon sa debut ni Kath noong April 2014. Nakalagay sa entrance ng venue ang letrang K na gawa sa pink flowers. Sa loob nito ay may isang arko ng bulaklak na may mga pearl beads. Dalawang gown din ang isinuot ni Kathryn-- isang light blue flowy piece na gawa ni Vania Romoff and a pink beaded number na gawa ni Francis Libiran. May flower, ruffle at pearl details ang kanyang black and white cake na kasing taas niya. Julia Barretto Kagaya ng kanyang nakababatang kapatid na si Claudia, magarbo rin ang naging debut ni Julia tatlong taon na ang nakakaraan. Dahil sa ang tema ay mga kabayo, may mini carousel cake. May mga hugis kabayo rin na mga ornaments na binalutan ng mga bulaklak ang nagkalat sa venue. Gawa ng Dubai-based na si Michael Cinco ang kanyang pulang gown na may mahabang train. No less than the Manila Philharmonic Orchestra naman ang nag-provide ng music.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.