SPIKE, SET, BLOCK NA ULIT SA UAAP SEASON 80

Inquirer Libre - Davao - - PANGUNAHING PAHINA - Ni Dennis Christian O. Hilanga @inquirer_libre

Sa Sabado, Pebrero 3, magsisimulang muli ang inaabangang UAAP women's volleyball competition. May mga pamilyar na pangalang natapos na ang five-year eligibility sa liga habang nananatili pa rin ang ilang mga veteran stars na tiyak na bubuhat sa kanikanilang koponan. Sisimulan ng La Salle ang title defense kontra University of Sto.Tomas, kasunod ng Adamson-National University match sa Mall of Asia Arena. Anong dapat abangan? DLSU Lady Spikers Season 79 standing: 11-3 Target ng Taft-based squad ang three-peat ngayong season. Natapos man ang limang taon ni setter Kim Fajardo, halos buo pa rin ang lineup na ito ni Coach Ramil de Jesus na binubuo ng mga graduating standouts na sina Kim Dy, Dawn Macandili at Majoy Baron. Sasandigan din ng defending champions sina Ernestine Tiamzon, Aduke Ogunsanya at Desiree Cheng na mga naging instrumental sa title run noong Season 79. Ateneo Lady Eagles Season 79 standing:12-2 Tulad ng La Salle, nawalan din ng mahusay na setter ang Ateneo, si Jia Morado. Tatangkain ng Katipunanbased volleybelles na muling makapasok sa Final Four at sungkitin ang kampeonato na huling natikman noong Season 77. Pamumunuan ni Bea de Leon ang Lady Eagles na susuportahan naman nina Jhoana Maraguinot, Deanna Wong, Kat Tolentino, Maddie Madayag, Ana Gopico at Ponggay Gaston sa pagtitimon pa rin ni coach Thai Bundit. UST Golden Tigresses Season 79 standing: 9-5 Mabigat ang nakaatang na responsibilidad kay Cherry Rondina lalo at hindi makapaglalaro sa buong season ang ka-tandem na si EJ Laure dahil sa shoulder injury. Ngunit hindi dapat mangamba si coach Kungfu Reyes dahil maraming pwedeng mag-step up sa UST lalo na ang mga beterano ng koponan na sina Pamela Lastimosa, Alexine Cabaños, Marivic Meneses at maging si Dominique Pacres. FEU Lady Tamaraws Season 79 standing: 8-6 Si Bernadeth Pons ang nagsilbing "main man" ng Tamaraws noong isang taon. Hindi lang sa opensa kundi maging sa paghabol ng bola ang ginampanan nito. Ngayon, pipiliting makabalik ng koponan ni coach George Pascua sa Final Four at masungkit ang unang korona sa loob ng 10 taon. Nasa lineup pa rin sina Heather Guino-o, Ria Duremdes, Toni Basas, Kyle Negrito, Jerrili Malabanan at Kyla Atienza. NU Lady Bulldogs Season 79 standing: 7-7 Mapait ang naging pagtatapos ng kampanya ng Lady Bulldogs noong Season 79 matapos matalo sa UST sa five-set thriller para sa huling Final Four slot. Kaya naman gigil na makapaghiganti ang fifth year skipper na si Jaja Santiago na hangad ang una niyang titulo sa liga. Huhugot rin ng lakas si coach Raymond Castillo mula kina Jorelle Singh, Aiko Urdas, Jasmine Nabor, Roselyn Doria, Gayle Valdez at Risa Sato. UP Lady Maroons Season 79 standing: 7-7 Inaasahan na magiging mahigpit na katunggali ang Lady Maroons ngayong season dahil sa pagkakaroon nila ng bagong coach, ang Kenyan na si Godfrey Okumu na naging trainer din ng koponan noong isang taon. Maraming rookie ngayon ang UP kaya nakasalalay din kina Diana Carlos at Isa Molde ang magiging takbo ng Lady Maroons. Adamson Lady Falcons Season 79 standing: 1-13 Matapos magtamo ng right ankle injury, nakahanda ng pangunahang muli ni Jema Galanza ang Lady Falcons. Target ng koponan ni coach Airess Padda na putulin ang four-year final four drought. Sa tulong ng mga beteranong sina Fenela Emnas at Mylene Paat, gagawin ng Adamson ang lahat upang pagandahin ang subpar performance nito last year. UE Lady Red Warriors Season 79 standing:1-13 Dahil sa hawak ng magaling at national coach na si Francis Vicente ang UE, hindi malabong maging tight contender ang koponan ngayong season samahan pa ng improvement ni Roselle Baliton. Sasandalan din ng Lady Warriors sina Kathleen Arado at Shaya Adorador upang ibangon ang UE mula sa pagiging cellar dweller.

Photo by Tristan Tamayo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.