Ubo, ubo, ubo, paano maiibsan ito?

Inquirer Libre - Davao - - PANGUNAHING PAHINA -

N ormal lang magka-ubo. Ayon sa mga doktor, ang pag-ubo ay nakatutulong para malinis ang iyong lalamunan mula sa plema at iba pang irritants. Pero ibang usapan na kapag nagtagal ang ubo. Posibleng dulot ito ng ibang kundisyon gaya ng allergy, viral infection o bacterial infection, o kaya ng Gastroesophageal reflux di-sease (GERD) o acid reflux.

May mga gamot na over-the-counter para sa ubo, at meron din namang mga natural na paraan para labanan ito. Narito ang ilan:

1. Honey

Subok na mas mabisang gamot sa sore throat kesa sa mga over-the-counter na gamot lalo na kung paghahaluin ang dalawang kutsaritang honey sa isang tasang tsaa o maligamgam na tubig at samahan ng lemon.

2. Probiotics

Maraming kapakinabangan ang probiotics o microorganisms sa kalusugan? Bagamat hindi direktang ginagamot nito ang ubo, nakatutulong naman ito para ibalanse ang iyong gastrointestinal flora o ang mga bacteria na namumuhay sa iyong bituka.

Ang pagbalanse nito ang siyang sumusuporta para mapaayos ang iyong immune system. May mga pag-aaral na ang Lactobacillus, ang bacteria na nakukuha sa mga dairy gaya ng gatas ay nakatutulong para makaiwas sa ubo at sipon.

3. Pinya

Ngayon mo lang narinig na ang pinya ay gamot sa ubo, dahil tiyak di mo pa naririnig ang bromelain. Ito ay enzyme na makikita lamang sa sanga at prutas ng halaman ng pinya na siyang nakatutulong para masuppress ang pag-ubo. Kumain ng pinya o uminom ng 3.5 ounces ng sariwang pineapple juice tatlong beses sa isang araw.

4. Peppermint

Kilala ang peppermint leaves na halamang gamot. Ang menthol nito ang nagpapakalma sa lalamunan at nagsisilbing decongestant para mabasag ang namumuong mucus. Pwedeng uminom ng peppermint tea o suminghot ng peppermint vapor.

5. Thyme

Ang dahon ng thyme ay gamot sa ilang respiratory illnesses. Nagtataglay ang mga dahon ng thyme ng mga compounds na tinatawag na flavonoids na siyang nagpaparelax ng throat muscle.

Maaaring gumawa ng thyme tea sa bahay. Durugin ang dalawang kutsara ng thyme leaves at ilagay sa isang tasa ng kumukulong tubig. Takpan ito, at maghintay ng 10 minuto, i-drain, saka inumin. Source: www.healthline.com

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.