KimXi forever

Inquirer Libre - Davao - - ENTERTAINMENT - —Alex Brosas

XIAN Lim thanked his Star Magic family matapos siyang pumirma ng managerial contract with Viva Artists Management.

“Thank you to my StarMagic family for an 8 year long journey. Maraming salamat sa lahat ng naibahagi nyo sa akin at sa pagmamahal. To my handler ate Gidge thank you for always being there for me and listening to my every concern. Ms. Mariole maraming salamat po sa lahat ng wisdom na naibigay nyo po sa akin. Thank you for listening to my late night kakulitan. No words can express my gratitude. I will always be thankful and grateful sa lahat ng pinagdaanan natin. There will never be any goodbyes, just see you around.”

That was her caption sa photo niya with Star Magic head Mr. Johnny Manahan.

Umaasa ang fans ni Xian na hindi mabubuwag ang love team niya with Kim Chiu kahit nasa ibang management na siya.

“Solid KIMXI pa din ako! Hindi pa din ako nawawalan ng pag asa na magkakasama muli sa isang project ang KIMXI,” said one fan.

“Umaasa pa din ako na bibigyan pa din ng ABS ng movie o teleserye ang KIMXI together,” said another supporter.

XIAN LIM

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.