MAY P100 KA? OPEN NA NG BANK ACCOUNT

Inquirer Libre - Davao - - PANGUNAHING PAHINA - BELLA CARIASO

GOOD news sa gustong makapag-ipon kahit pakonti-konti lang.

Sa halagang P100 ay maari ka nang magbukas ng iyong savings account sa bangkong mapipili mo.

Hindi na rin dapat mag-alala dahil wala nang maintaining balance, at dormancy charges kung sakaling hindi ito mahulugan ng mahaba-habang panahon.

Ito ay base na rin sa naging desisyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas na tanggalin ang ang ipinapatupad na minimum maintaining balance at dormancy charges. Kadalasan, ang mga ito ang dahilan kung bakit hindi makapag-open ng account ang mga Pinoy.

Layunin ng bagong sistema, ayon sa BSP, na mapataas ang bilang ng mga Pinoy na nagiimpok sa bangko.

Sa kasalukuyan ay aabot lamang sa 31.3 percent ng kabuuang populasyon ang merong bank account.

“Ownership of an account provides Filipinos the tool to save and transact money in a safe, convenient and affordable manner. It can unlock access to a wider range of financial services to meet their various needs, including credit, insurance and investments," sabi ng Central Bank.

Sinabi pa ng BSP Monetary Board na kabilang sa mga rason kaya maraming ordinaryong mamamayan ang hindi naeengganyong mag-impok sa bangko ay dahil sa mataas na maintaining balance at kawalan ng sapat na mga documentary requirements.

“The basic deposit account framework addresses these observed barriers,” dagdag ni Central Bank.

Idinagdag pa nito na para maiwasan ang maling paggamit ng basic deposit account, itinakda sa P50,000 ang maximum balance nito.

“The BSP expects that the basic deposit account will provide the much needed boost in expanding formal account ownership and usage in the country, particularly among the unserved low-income markets,” ayon pa sa Central Bank.-

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.