PINOY ULTIMATE DREAM: HOUSE AND LOT

Inquirer Libre - Davao - - NEWS FEATURE -

MAYORYA pa rin sa mga Pilipino ang pangarap na magkaroon ng sariling bahay at lupa, ayon sa datos na inilabas ng online real estate marketplace na Lamudi.

Ayon dito, tinatayang 59 percent ng mga Pilipino ang nais na magmay-ari ng house and lot, habang 14 percent naman ang mas gusto na magkaroon ng condominium unit. Ibinase ang pag-aaral sa 15 milyong online users ng Lamudi.

Ayon pa sa pagaaral, 12 percent naman ang interesado sa lupa lamang at 11 percent ay apartment ang hanap.

Sinasabi rin ng Lamudi, kalahati ng bilang ng kanilang online users ay handang gumastos ng P5 milyon pababa para sa kanilang dream property, habang 33 percent ang handang gumastos ng P20 milyon para sa kanilang dream house.

Quezon City ang top choice ng mga Pinoy na nais magpatao ng bahay, at ikalawa naman ang Makati. Ilang lungsod din sa Visayas at Mindanao ang bet ng maraming Pinoy.

Samantala, sinabi ng Lamudi na hindi rin dapat balewalain ang mga millennials na nagrerepresenta ng kalahati ng workforce sa bansa.

Nais ng mga millennials ang magkaroon ng condominium unit kahit maliit pero convenient naman sa kanilang papasukan.

Marami rin sa kanila ang naghahanap ng mga rent-to-own na lugar.

.Samantala, padami nang padami ang bilang ng mga overseas Filipino workers ang naglalaan ng bahagi ng kanilang kinikita para makabili ng bahay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.