8 UNIQUE VALENTINE’S DATES

Inquirer Libre - Davao - - NEWS FEATURE -

NAGSASAWA ka na ba sa ordinaryong date tuwing Valentine's Day? Keri mo bang sumubok ng mga kakaiba pero heart-warming na pagse-celebrate ng Araw ng mga Puso?

Here's a quick list of unique dates that you should consider doing:

1. Buwis-buhay adventure

Afraid? You should be. Pero it's worth a try, especially kung kasama naman si sweetheart na gagawa ng mga nerve-wracking activities like rappelling, wall climbing, zipline, at kahit ang simpleng roller coaster ride.

2. No-destination road trip

Hindi kailangan may sasakyan, pwede nga kahit MRT and LRT ride OK lang din. Make sure na gawa lang kayo ni partner ng rules para mas exciting. Example: Kung mag-LRT ride, bumaba sa mga istasyon na may two words like Abad Santos, Vito Cruz, Doroteo Jose. Di ba cool?

3. Go ukay-ukay shopping

Don't hesitate to bring her to ukayukay dahil she will surely love it. Pero pumili ng mga lugar na most convenient sa kanya. Bukod sa Baguio City, maraming ukay-ukay place na pwedeng puntahan gaya ng Anonas, Bambang, Quiapo, Kalentong at Cubao. Magtakda rin ng budget at para mas may challenge, ipag-shopping ninyo ang isa't isa.

4. Ghost hunting

Kung may budget, subukan ninyo yung mga sinasabing hunted houses sa Baguio at doon mag-ghost hunting. Kung walang budget, igoogle mga kilalang lugar sa Metro Manila na pinamamahayan ng multo. Try n'yo kaya ang Film Center sa Pasay City, at kahit ang Manila City hall, at Metropolitan Theater?

5. First date 2.0

Do you still remember your first date kung saan ito at kung anong ginawa ninyo? I-rewind ang nakaraan, mula sa lugar, pagkain na inorder ninyo at kung anong song ang associated sa first date ninyo.

6. Netflix marathon

Imposibleng isa sa inyo ay walang Netflix sa inyong smart phone, kaya bakit hindi mag-movie marathon using one of your cellphones? Prepare ka na lang ng wine and cheese para mas romantic.

7. Ice skating

Kung nais mo naman ng malamig, subukan mag-ice skating. May ilang mall ang merong ice skating rink.

8. Food trip

Pwedeng sabihin na common lang ito. But, hey! Be creative. Dalhin siya sa mga lugar na pwede kayong mag pig out ng mga all-time sidewalk food gaya ng fishball, kikiam, Adidas, at Betamax. Then isunod ang ice cream date - tikman lahat, from dirty ice cream to Dairy Queen to BaskinRobbins to HaagenDasz to Carmen's.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.