KAPALARAN

Inquirer Libre - Davao - - ENTERTAINMENT -

Wala kasi siyang pang-date sa Valentine's Day kaya cool-off daw muna kayo. Yung nalaman mong may bago ng mahal ang love mo...wow, magic! Wala nang sasaya sa taong naka-move on na. Congrats, bes. Sa iyo nakaharap pero iba ang hinahanap. Malay mo 'yung taong nakalaan sa iyo kinder pa lang. Tinulugan ka niya kagabi? Don't worry, ganyan talaga pag di importante. Wag kang maghabol sa taong ayaw sa iyo. Ipinanganak kang tao, di aso. Tara, bes, shot na lang tayo sa February 14. Gaano pa karaming Yakult ang iinumin mo para masabing OK ka na diyan? Balita ko ayaw mo na sa magaganda. Bakit gusto ka ba namin? Life is short kaya landi lang hanggang kaya mo pa. Uminom, sumuka, pero di nagdrama. Gusto mo mag-ipon pero ang siba mo. So, sino gusto mo mag-adjust, 'yung kutsara o tinidor? Mag-pay muna ng utang bago magpabida sa FB at IG. Laban lang...para sa maraming bayarin. Tatamarin pero papasok alang-alang sa mga bills. Ang tunay na lodi may poni. Buti pa kay manong tricycle driver, P25 lang special ka na. Aanhin mo ang loyalty kung wala namang money? Aanhin mo ang puso kung mas matimbang ang peso? Coming soon...'Payday the 13th' (Pagsweldo Mo, Ubos Agad). Baka kaya lagi kang iniiwan ng sweldo mo, lagi kang busy sa trabaho? Nag-overtime nang marami...nag-party...lagas ang money. Malapit na ang sahod, nacompute mo na ba ang matitira sa iyo? SL ka na naman— sinungaling leave. Aga pumasok, late umuwi. Daig mo pa si manong guard na naka-duty. Congrats, bes, wala ka pang late ngayong taon. Reminder lang, Ash Wednesday din sa Feb. 14. Valentine's Day na, alak na naman kasama mo. Nasa point ka ng buhay mo na kapag may dumating na aliens, sasama ka na sa kanila. Nakapang-winter ka pumasok tapos biglang sisikat nang matindi ang araw. Saklap, bes. Jumoin ka sa outing para lang magtrabaho? Sadnu? Nung makita mo ang gabundok na work load, nag-decide kang mamundok na lang din. Araw-araw traffic, arawaraw ka ring late. So, sino maga-adjust? Internet n'yo sa office parang love life mo, on and off. Luh, pinagsabay mo sila? Ano ka working student?

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.