Contractualization titigil na ba? By Working Force

Inquirer Libre - Davao - - PANGUNAHING PAHINA - ALAN TANJUSAY

As we write this, balitang pipirmahan na ni Pangulong Duterte ang Executive Order na nagbabawal sa contractualization sa bansa. Feb. 9 daw ito pipirmahan matapos ang mahaba at matinding bangayan ng mga labor groups at mga manpower contractors at employers’ groups.

Base sa huling draft nang nasabing EO, napagkaisahan ng mga employers, Labor department at labor groups, magi-ging regular na ang lahat ng contractual sa agency sa principal employer.

Ayon sa draft EO: “Contracting and subcontracting when undertaken to circumvent the workers’ rights to security of tenure, self-organization, collective bargaining and peaceful concerted activities pursuant to the 1987 Philippine Constitution is strictly prohibited. Security of tenure refers to the direct hiring relationship between the principal employer and employee.”

Ngayon kung nais pa rin ng employer na kumuha ng mga contractual workers, kailangan muna nilang humingi ng pahintulot sa Department of Labor and Employment (DOLE) at consensus ng National Tripartite Industrial Peace Council (NTIPC) na binunuo ng mga labor groups, employers at government officials.

Wala tayong nakikita na mawawalan ng trabaho kung sakaling effective na ang EO dahil ililipat lang naman sa principal employer ang lahat ng mga contractual na nasa manpower labor contractors.

Sana nga matuldukan na ni Digong ang contractualization work scheme sa bansa gaya ng kanyang pangako sa atin bago siya na-ging pangulo. Sa contractualization, maliit na ang sweldo, wala pang benepisyong napapakinabangan at walang security of tenure para umasenso ang buhay.

Sana nga napirmahan na ang EO. Ang sabi nya kasi nung Labor day, bigyan pa raw siya ng panahon bago tuparin ang pangakong tanggalin ang contractualization.

Mr. President, You have to decide now or else baka mapako ang iyong pangako sa taumbayan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.