Working Force

ALAN TANJUSAY

Inquirer Libre - Davao - - PANGUNAHING PAHINA - ALAN TANJUSAY

Tinanggap at hindi ibinasura ni Pangulong Duterte ang draft Executive Order na magtatanggal sa "Endo" na iniabot sa kanya ng mga labor leaders nang makipagmeeting sa kanya ang mga ito noong February 7 sa Malacanang.

Humingi ng panahon ang pangulo para mapag-aralan bago niya pirmahan ang nasabing draft EO. Baka sa March 15 next month ay may decision na siya kung aaprubahan ang EO na sinulat ng mga labor groups.

Ayon sa draft EO, magiging direct hiring sa principal employer na ang endo o contractual workers. Pero kung kinakailangan ng mga employers na kumuha ng contractual na manggagawa, hihingi muna ng approval from the Department of Labor Employment at ng National Tripartite Industrial Peace Council.

Very intimate ang dialogue that lasted for more than two hours. Bukod kasi sa contractualization issue, naging interesado rin si Duterte sa proposal na P500 monthly government subsidy para sa mga minimum wage earners at sa pagbaba ng presyo ng kuryente sa pamamagitan ng pagbabago sa government policy.

Success ang labor groups na maiparamdam kay pangulo ang paghihirap ng mga manggagawa. Pero mga co-workers, we must be vigilant baka kasi magsingit din ng kanilang version ng EO ang grupo ng employers' group at mga manpower service providers na mag-oopose sa draft EO ng labor groups.

Pero sa meeting na iyon, malinaw rin sa pangulo na kapag hindi siya tumupad sa pangako for him to eliminate endo and contractualization, may paglalagyan siya sa dismaya at galit sa pangakong napako.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.