TOP 10 BAGAY NA MAY LINK SA EDSA

Inquirer Libre - Davao - - PANGUNAHING PAHINA - Ni Melvin Sarangay

MARAMING bagay at lugar na maaaring iugnay sa Edsa People Power 1.

Narito ang 10 na sa tingin namin ay higit na maaaring i-relate sa People Power 1.

1. EPIFANIO DELOS SANTOS AVENUE

Bago pa makilala dahil sa tindi ng traffic, nakilala ang Edsa sa buong mundo dahil sa mapayapang rebolusyonn noong Pebrero 22-25, 1986, na siyang nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

2. LABAN SIGN

Hand gesture o hand sign na may pormang L na sumisimbolo sa paglaban sa diktadurya.

3. CLUB FILIPINO

Dito nanumpa bilang bagong pangulo sa pamamagitan ng People Power revolution ang yumaong Pangulong Corazon Aquino.

4. MALACANANG

Matapos mapatalsik si Marcos sa posisyon, nilusob ang Malacanang Palace ng mga galit na galit na publiko. Sinasabing maraming kagamitan sa palasyo ang tinangay o ninakaw ng ilang mga sumugod dito.

5. CAMP AGUINALDO

Ito ang general headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang nagsilbing lugar kung saan nagsanib ang dating Defense Minister Juan Ponce Enrile at Philippine Constabulary Chief Lt. General Fidel V. Ramos laban sa pamahalaang Marcos.

6. CAMP CRAME

Ang lugar na nagsilbing tanggulan ng grupo nina Enrile at Ramos sa kasagsagan ng Edsa People Revolution 1.

7. RADYO VERITAS

Ang Radio Veritas ang nagsilbing istasyon na nagbabalita sa mga nangyayari sa Edsa People Revolution 1 matapos na ang noo'y arsobispo ng Maynila na si Jaime Cardinal Sin ay manawagan sa mamamayang Pilipino na suportahan ang grupo nina Enrile at Ramos.

8. BAYAN KO, MAGKAISA AT HANDOG NG PILIPINO SA MUNDO

Ang mga makabayang awit na 'Bayan Ko' ni Freddie Aguilar, 'Magkaisa' ni Virna Liza at Handog ng Handog ng Pilipino sa Mundo na inawit ng 15 Pinoy artists ay mga awiting sumikat noon at matapos ang Edsa People Power Revolution 1.

9. PEOPLE POWER MONUMENT

Iskulturang ginawa ni Eduardo Castillo noong 1993 bilang paggunita sa People Power 1.

10. OUR LADY OF EDSA SHRINE

Ang Shrine of Mary, Queen of Peace, Our Lady of EDSA o mas kilala bilang EDSA Shrine, na matatagpuan sa interseksyon ng Ortigas Avenue at EDSA, ay ginawa noong 1989 bilang paggunita sa mga alala ng People Power Revolution at mapayapang kinalabasan nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.