Happiness is a choice by Bwisitin si Besh

Inquirer Libre - Davao - - PANGUNAHING PAHINA - PHER MENDOZA

GANDANG araw, besh.

Ang tagal akong niloko ng misis ko. Sinigurado niya lang na makapag-abroad muna bago nagtapat na gusto na niyang makipaghiwalay sa akin. Ang masama, inamin niyang may karelasyon na siyang ibang lalaki.

Nasa akin ang tatlo naming anak, dalawa ang nasa elemntary at isang high school.

Masyadong masakit ang ginawa niya. Hirap ako sa pagaalaga sa mga bata dahil nagtatrabaho pa ako, yun pala may karelasyon siyang iba. Sa akin pa niya kinukuha lahat ng panggastos para sa pag aaral hanggang yung gastos sa pagabroad niya sa akin din niya kinuha.

Ngayon, padalaw-dalaw lang siya sa amin. Ilang taon din kaming nagsama. After nang pagtatapat niya sa akin, ngayon gusto niya maging mag-kaibigan kami. Ganon na lang ba iyon?

Ang sakit-sakit kasi minahal ko siya nang buong buhay ko. Pero gusto rin mawala ang nararamdaman ko para sa kanya, dahil hinding-hindi na raw niya ako babalikan. Anong gagawin ko? Jose

Good day sa'yo, Jose. Salamat sa liham mo. Talaga namang naantig ako sa pinagdaraanan mo. I feel for you.

I can't imagine kung gaano kasakit ang lokohin at pagtaksilan ng taong iyong pinakamamahal.

Pero nangyari na and all you need to do is to move forward para sa mga anak n'yo at para sa future mo. Yung offer ng ex mo na friendship, napakahirap tanggapin ‘yun, but it is up to you if you want that to happen... maybe for the sake of your children, in time.

I hope you free yourself of the pain and hatred. Sana ay maka-move on ka at makahanap ng babaeng tunay na mamahalin mo at gayundin siya sa 'yo. It is not impossible. When you begin to forgive and learn to accept, I promise you, good things will happen.

Sa ngayon, kung masakit pa, pagsikapan mo na makalimot at maging inspirasyon para sa mga bata. Be there for them and show them what forgiveness is.

Don't live a bitter life dahil may choice ka. Happiness is a choice.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.