Do not discriminate small people

Inquirer Libre - Davao - - PANGUNAHING PAHINA - By Working Force

Agroup of working age midgets or small persons came to me and asked my help as they look for gainful and decent jobs to support themselves and their families.

So I contacted a few friends, searched private and public job portals, and was so surprised as most of the jobs have height requirement. Ngek! Naintindihan natin na may ilang mga trabaho na may height requirement, pero lahat ba ng trabaho ay hindi na sila pwede?

It is obvious that there is existing discrimination against small (literally) people, especially in formal jobs.

Marami sa kanila ang naghahanapbuhay sa mga peryahan bilang circus clowns. Madalas din silang imbitahan maglaro ng basketball at mag-boksing sa mga fiesta.

Pero bakit nga ba tila nililimitahan ang kanilang maaaring gawin, kung kaya naman nila ito in the first place.

Naalala ko noon ako ay bagitong reporter sa Maynila, mayroong isang restaurant bar na pagmamay-ari ng isang foreigner. Ang kanyang mga empleyado ay pawang mg midgets bilang waiter, waitress, bartender, cook, cashier at kahit bouncer at parking attendant.

Ibig sabihin kaya nilang gawin kahit anong trabaho.

Kung merong batas at polisiya promoting the rights and welfare of senior citizens, persons with disability, and those with impaired hearing and vision, why is there no measure promoting and ensuring the rights and welfare of midget and tiny people?

They are normal human beings, too. Nagkataon lang na isinilang sila na hindi ayon sa karaniwang taas. But do we have to make life difficult for them?

We urge government offices and private companies to offer appropriate jobs for midgets and tiny people. Malliit man sila pero tiyak na may malalaki silang magagawa para sa tanggapang kanilang paglilikungran. They are determined to get the work done in no time. Trust me.

May nais ka bang idulog sa Working Force? Please feel free to email us at librepamore@gmail.com o kaya ay magtext sa 09156414963 kasama ang inyong pangalan at edad. Asahan po na isa-isa naming sasagutin ang inyong mga katanungan hinggil sa problema sa trabaho at mga ahensiya ng pamahalaan na may

kinalaman sa labor issue.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.