Welcome back, Joe!

Hindi bagong base, pero ipagagamit sa US, Japan ang Subic

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Ni Nikko Dizon

PLANO ng Pilipinas na payagan ang Estados Unidos at ibang kaalyadong bansa na gamitin ang mga base militar nito sa ilalim ng isang kasunduan na magagamit ng Amerika upang kontrahin ang pagpapalakas ng Tsina sa West Philippine Sea.

Ngunit salungat sa isang ulat na batay umano sa sinabi ng isang hindi kinilalang opisyal ng Navy, sinabi ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na hindi magtatayo ng mga bagong base militar ang Pilipinas.

Nabasa ng Tsina ang ulat at nagbabala sa mga bansa na may pag-angkin sa West Philippine Sea at naghahanap ng tulong sa iba na “futile” ang kanilang gagawin.

Sinabi ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na isang “path of confrontation” ang ganoong stratehiya at “doomed” ito.

Sinimulan kahapon ng Pilipinas at Estados Unidos at limang araw na magkasanib na pagsasanay-militar malapit sa Panatag Shoal na kapwa inaangkin ng Maynila at Beijing.

Sinabi ni Gazmin na papayagan ng Pilipinas na gamitin ng US, Japan at iba pang kaalyadong bansa ang mga kasaluku- yang base militar nito ayon sa sinasabi ng Saligang Batas at ng Visiting Forces Agreement.

Ipinagbabawal ng 1987 Constitution ang pagkakaroon ng mga banyagang base militar sa bansa.

“No, we are not going to construct bases. We will be accepting access,” ani Gazmin.

Inihahanda pa ng pamahalaan ang kasunduan para sa paggamit ng mga base militar.

“Then there will be equipment coming in from the United States. Now as far as Japan is concerned, we do welcome other countries, particularly Japan since Japan is a strategic partner, in accordance with our existing protocols,” aniya.

RAFFY LERMA

HABANG dumadaong ang guided-missile destroyer ng Estados Unidos na USS Fitzgerald sa Subic Bay kahapon iwinawagayway nila ang kanilang watawat. Sasali sa Philippines-United States Cooperation Afloat Readiness and Training (Carat) naval exercise ang barkong pandigma.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.