Pnoy umapela para sa Pinay

ISA NA NAMANG BIBITAYIN SA CHINA

Inquirer Libre - - NEWS - Ni Tarra Quismundo

NAKIUSAP ang Pilipinas kahapon na sagipin ang buhay ng isang 35-taong-gulang na Pilipinang nahatulan ng bitay dahil sa pamumuslit ng droga sa silangang Tsina habang naghahabol ang mga opisyal na mailigtas ang ina ng dalawang anak.

Nagpadala si Pangulong Aquino ng liham kay Chinese President Xi Jinping kahapon sa pag-asang maipagpapaliban ang bitay sa Pilipina, na naitakda “anytime” sa pagitan ng kahapon at Hulyo 2 sa Hangzhou prison, anang Department of Foreign Affairs.

Ayon kay DFA spokesperson Assistant Secretary Raul Hernandez, nakiusap ang Pangulo sa liham kay Xi na gawing habambuhay na pagkakabilanggo na lang ang parusang bitay.

Nauna nang tinanggihan ng Tsina ang katulad na pakiusap at binitay ang apat na Pilipinong drug convict noong 2011.

Sinabi ni Hernandez sa isang press briefing na inaresto ang babae sa Hangzhou International Airport noong Enero 2011 kasama ang 27-taong-gulang na pinsan nitong lalaki dahil sa pagtataglay ng mahigit 12 kilo ng heroin. Hindi hinayag ang pangalan ng dalawa dahil sa pagiging sensitibo ng kaso.

Sinabi ni Hernandez na pinagtibay ng Supreme People’s Court sa Beijing noong Hunyo 26 ang pasya ng mababang hukuman na nagpataw ng bitay sa Pilipina dahil sa pamumuslit ng droga.

“Her family has already been informed of the Supreme People’s Court decision and they request that their privacy be respected during this very difficult time. Arrangements are being made for them to depart for China at the soonest possible time, in order to visit and see their loved one,” ani Hernandez sa isang press conference kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.