Mga Muslim at Kristiyanong bakwit mula Marawi City nagdiwang ng Eid al-Fitr

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Nina Allan Nawal at Richel Umel

ILIGAN City—Pinagdiwang ng mga Muslim at Kristiyanong bakwit sa Marawi City ang Eid al-Fitr noong Linggo sa pagtatabpos ng Ramadan na may handang pritong isda at lechong baka, salamat kay Pangulong Duterte, at mayroon ding mga rosas mula sa mga kaibigang Katoliko.

Gabi pa lamang ng Sabado, alam na ni Tarhata Mustari, 23, na hindi instant noodles at sardinas ang hapunan ng kanyang tatlong anak sa evacuation center sa Iligan School of Fisheries.

“There was this slaughtered large cow that volunteers had brought in on Saturday evening. They said it would be roasted for the Eid feast,” ani Mustari.

Ngunit hindi inakala ni Mustari na may hinanda ang mga Kristiyanong bakwit para sa kanya at sa iba pang Muslim na bakwit.

Napaluha ang mga kababaihang Muslim nang makatanggap sila ng rosas.

“That was so unexpected,” ani Mustari. “Of course, I was emotional, I was deeply touched.”

Niyakap naman nang mahigpit ni Sarah Romapa, 49, ng Barangay Marinaut, ang Kristiyanong babae na nagbigay sa kanya ng rosas.

Pinagsaluhan ng mga bakwit ang inihandang pagkain na nabili sa P91,000 na binigay ni Pangulong Duterte nang dumalaw siya noong isang linggo.

“We’re happy because we still celebrated Eid. We’re sad though because we did it inside the evacuation center,” ani Mustari.

Sinabi niyang hiling niyang matapos na ang sigalot upang makauwi na siya. “That’s what I have been praying to Allah.”

MARIANNE BERMUDEZ

TABANG MARAWI. Nag-ambag ang mga babaeng Muslim na nagtipon kahapon sa Luneta sa Maynila para sa Eid al-Fitr, ang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan, upang makalikom ng pondong ipantutulong sa mga kapanalig na naipit sa gitna ng bakbakan sa Marawi City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.