VP Leni Robredo balak dumalaw sa Marawi City

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Vince F. Nonato

BALAK dumalaw ni Vice President Leni Robredo sa Marawi ngayong Lunes ngunit hindi pa tiyak kung papayagan siyang pumasok sa magulong lungsod.

Nais matiyak ni Robredo na “life goes on” at patuloy ang pagaaral ng mga bakwit na lumikas bunsod ng digmaan, ito ang sinabi niya sa kanyang radio program tuwing Linggo na “BISErbisyong Leni” sa RMN-dzXL 558 kHz.

“We want to normalize even just the schooling, so we will take care of that tomorrow,” wika niya.

Ngunit mahigpit ang pinapatupad na seguridad sa gitna ng patuloy na sagupaan sa lungsod kung saan isang Australyanong mamamahayag ang tinamaan ng ligaw na bala.

“We do not know if we will be allowed to enter Marawi, but if not, we will just go to nearby areas—Iligan, adjacent places. So, we can take care of what needs to be taken care of,” ani Robredo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.