Apocalypse Child ipalalabas sa mga sinehan sa Poland

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Bayani San Diego Jr.

ISANG pelikulang Pilipino ang ipalalabas sa mga sinehan sa Poland. Mapapanood sa bansa ang Apocalypse Child ni Mario Cornejo simula Okt. 6. Nakatakda rin ang mga special screening sa “selected summer festivals” bago ang regular na pagpapalabas nito doon.

Hinirang ang Apocalypse Child bilang best picture sa Ika-10 Five Flavours Film Festival sa Warsaw noong nagdaang taon.

Ayon sa prodyuser na si Monster Jimenez, pumasok na ang pistang Five Flavours sa pamamahagi sa mga sinehan, at ang pelikulang Pilipino ang una nitong handog.

“We were thrilled that Five Flavours wanted to distribute our film,” ani Cornejo sa INQUIRER. “We related a very personal story that could only be told in a specific part of the Philippines. To think that a Polish audience that’s almost 10,000 kilometers away will see it is mind-boggling.”

Sinundan sa pelikula ang isang surfer na sinasabing anak ng isang taga- Baler kay Oscarwinning filmmaker Francis Ford Coppola.

Tampok sa Apocalypse Child si Sid Lucero sa papel ng bidang lalaki, kasama sina Annicka Dolonius, RK Bagatsing, Ana Abad Santos at Gwen Zamora.

Tinukoy sa website ng pista na “Asian films are a rarity in Polish cinemas, with only a few titles being released each year.” Kaya nagpasya ang mga organayser ng Five Flavours na “fill this gap in the local market and bring more attention to Asian cinema in Poland throughout the year.”

Layunin ng pista, na naging distribution company na “present the diversity of contemporary Asian movies: from small, independent productions to mainstream hits.

TAMPOK sa Apocalypse Child sina Sid Lucero (ibaba) at Annicka Dolonius

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.