5 himpilan ng tren pa-Clark tutukuyin

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Jerome Aning

TUTUKUYIN ngayong araw ng Department of Transportation (DOTr) ang limang himpilan ng ManilaClark Railway Project na mag-uugnay sa Maynila at Gitnang Luzon.

Pangungunahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade at iba pang opisyal ng pamahalaan ang pagmamarka ng lima sa 17 himpilan: Marilao at Meycauayan sa Bulacan; at Valenzuela, Caloocan at Tutuban sa Metro Manila.

Ayon sa pahayag ng DOTr, tatakbo ang 106- kilometrong riles mula Tutuban sa Maynila papunta sa Clark freeport zone sa Pampanga, at isa mga “high-im- pact” na proyekto ni Pangulong Duterte sa ilalim ng “Build Build Build” infrastructure program.

Kapag nabuo na ito, magiging 55 minuto na l amang ang dalawang oras na biyahe mula Maynila hanggang Clark. Makikinabang ang 350,000 na pasahero na bumibiyahe araw- araw sa unang taong ng operasyon nito.

Ang 12 pang himpilan ay Solis, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Malolos, Calumpit, Apalit, San Fernando, Angeles, Clark, Clark International Airport at ang magiging New Clark City sa Pampanga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.