Buksan ang puso para sa 9 nasagip na ‘bantay’ sa Taguig

Inquirer Libre - - NEWS - Erika Sauler

NAGHAHANAP ang Taguig City Veterinary Office ng mga bagong tahanan para sa siyam sa 45 na asong nasagip na kasalukuyang kinakalinga sa animal shelter ng lungsod.

“These rescued dogs deserve new homes with caring families. This initiative expresses the intention of the city that every ‘bantay’ has a right to be taken care of,” pahayag ni Mayor Lani Cayetano.

Karamihan sa mga ito ay mga asong-kalye na nahuli ng mga opisyal ng barangay o ’di kaya ay iniwan ng mga mayari na hindi na sila kayang alagaan.

“The whole adoption process is free and open to all Taguigeños,” wika ni Dr. Alexis Siblag, pinuno ng veterinary office ng lungsod.

Tiniyak niya sa publiko na maaamo ang mga aso at walang kahit anumang nakahahawang sakit.

“Interested city residents need only to visit the Taguig City Veterinary Office, fill out an application form, choose their desired dog and submit themselves for a background check prior to the release of the animals,” ani Siblag.

“These dogs have been spayed and neutered to avoid reproduction since one of the program’s purposes is to also control animal population,” dinagdag niya.

Para sa mga interesado tumawag lamang sa Taguig City Veterinary Office 811-8919.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.