Pacquiao hindi tiyak kung knockout

Inquirer Libre - - NEWS - Ni Roy Luarca @RLuarcaINQ

BRISBANE, Australia—Tumanggi si Manny Pacquiao na mangako ng knockout ngunit tiniyak na gagawin niya ang lahat upang pahalikan sa lona si Australian challenger Jeff Horn Hu- lyo 2 dito.

“Gagawin ko ang lahat upang manalo sa pmamagitan ng knockout,’’ sabi ni Pacquiao Linggo sa Sofitel dito.

Itataya ni Pacquiao ang titulong World Boxing Organization welterweight sa Suncorp stadium. “Handa na ako. Ginawa ko ang lahat ng dapat gawin,’’ sabi ni Pacquiao. ‘‘Magaan na lang ang ensayo ko isang linggo bago ang laban.’’ Dumalo si Pacquiao sa umagang church service sa Worship Center dito. Paborito si Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) na talunin si Horn (16win, 1-draw, 11 knockouts). Sinabi ni Justin Fortune, strength at conditioning coach ni Pacquiao na madaling magagawa ng kanyang pambato ang knockout. “It's entirely up to Manny. If he really puts his mind into it, he can knock out anybody (including Floyd Mayweather) within four rounds.” Sinabi ni Fortune na walang pagasa si Horn na talunin ang 11-time world champion.

WENDELL RUPERT ALINEA

SPARRING LAGOT ka Jeff Horn kay Pinoy ring idol Pacquiao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.