Istilo ni Du30 ikinababahala ng ekonomista

Inquirer Libre - - FEATURES - Domingo Ronnel W.

NAPAWI ang agamagam sa isang magulong administrasyon ng pasya ni Pangulong Duterte na ipangasiwa ang bansa sa isang mahusay na pangkat pang-ekonomiya, ngunit “undermining the Philippines’ prospects” ang personal na istilo ng pamumuno niya, ayon sa Capital Economics na nasa London.

Sa isang research note na inakda nina Gareth Leather at Alex Holmes, sina bing pangkat na makaraan ang isang taon sa puwesto, “[ Duterte has] not been the disaster for the economy that some feared.”

Tinukoy ng mga ekonomista na pinakamagandang pasya ng Pangulo ang pag-iwas sa pagpapatakbo sa ekonomiya sa pangaraw-araw, isinalin ito “to his respected finance minister, Carlos Dominguez III, who in turn has pushed through some useful reforms.”

Sinabi nilang napanindigan ni Dominguez ang magandang reputasyon, at naghandog ng ilang pagtitiyak sa mga mamumuhunang nababahala sa mga kontrobersiyal na patakaran ni G. Duterte.

“Dominguez’s other main achievement has been to stick with the previous government’s plans of raising infrastructure spending,” anang Capital Economics. “According to the latest budget, spending on infrastructure is set to reach 5.4 percent of gross domestic product this year, up from 4.7 product in 2016.”

“More of a concern, however, is Duterte’s abrasive rhetoric and dictatorial tendencies, which are showing early signs of putting off investors,” anang pangkat.

Dinagdag ng Capital Economics na maaa- ring matabunan ang mga nakamit ng administrasyon Duterte ng sunud- sunod na mga maaanghang na komento at pagbabago sa patakaran na “raised concerns in the minds of investors over Duterte’s judgement and commitment to the rule of law.”

Sinabi ng pangkat na “one of the key achievements of Duterte’s predecessor, Benigno Aquino, was the restoration of political stability,” na dahil sa pagpapaganda sa kalagayan ng pagnenegosyo ay nakatulong na mapaigting ang pagyabong ng pamumuhunan at paangatin ang mababang investment rate ng bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.