Pinagbibitiw sa trabaho

Inquirer Libre - - FEATURES - emarcelo@inquirer.com.ph Emily A. Marcelo Magpadala ng email sa emarcelo@ inquirer.com.ph o sa emarcelo629@ gmail.com

DEAR Emily, Kailangan ko ng kaliwanagan. Gusto ng asawa kong magbitiw ako sa trabaho dahil ang bahay namin ay nasa San Jose Bulacan at ang aking pinapasukan ay nasa Makati.

Balak ko ay halinhinan ang uwi sa isang linggo. Tatlong taon nang factory worker as Taiwan ang asawa ko at kung ako ay tumigil, mahihirapan kaming magbayad ng utang namin sa kagagawa lang na bahay namin.

Gusto ko na ring alagaan na lang ang mga bata dahil wala akong tiwala sa magaalaga sa kanila. Pero hindi maganda ang lugar ng bahay namin para sa negosyo.

Ngayon kahit papaano, nakakatulong ako sa pamilya namin kung nangangailangan sila ng pera. Sayang rin ang benefits na binibigay ng aming kumpanya na mawawala. Tuliro DALAWANG naguumpugang bato ang nakapaligid sa iyo. Tunay na mahirap ang kinalalagyan mo ngayon para ka makapagisip ng tuwid.

Una muna ang mga anak mo. Maaari mo bang pakiusapan ang isang kamag-anak na buo ang loob mong alagaan ang mga bata sa mga araw na di ka makakauwi mula sa trabaho?

’Yong binabayad mo sa nag-aalaga sa mga bata ngayon ay sa kanya mo na lang ibigay marahil?

Ang hirap na magkalayo kayo ng asawa mo para matanto niya ang problema mo. Madaling sabihing magbitiw ka ng trabaho ng hindi tinitimbang ang lahat ng masasagasaan gaya ng pagkawala ng mga benefits kapag nagbitiw ka.

Himay-himayin mo ang bawat hibla ng problema nyo. Unahin mo muna ang kapakanan ng mga bata. Mahalagang nasa ligtas lagi sila. Maghanap-hanap ka na rin unti-unti ng mapapasukang malapit sa bahay ninyo. Ihanda mo lang ang isipan mong mahihirapan kang gawin ito.

Pero lahat ng bagay ay mapapag-aralan at napapasan—kung kinakailangan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.