‘Pasa Lord Prayer Movement’ kapayapaan ang ipinananalangin

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Ni Julie M. Aurelio @JMAurelioINQ

NANAWAGAN ang samahan ng iba’t ibang pangkat panrelihiyon sa mga Pilipino upang magbigay ng isang minutong panalangin para sa kapayapaan sa buong bansa tuwing tanghali simula Hulyo 7.

Tinawag itong “Pasa Lord Prayer Movement,” isang interfaith group na nanawagan sa publiko na magdasal kahit nasaan man sila pagpatak ng tanghali araw-araw mula sa nasabing petsa hanggang makamit ang kapayapaan.

“We are urging Filipinos from every faith and sector of society to say the Prayer for Peace in the Philippines, or the Panalangin para sa Kapayapaan sa Pilipinas,” pahayag ng samahan.

Dinagdag nila: “We will keep praying until peace reigns in our land. Intercessors who don’t give up usually receive the reward—to see the very thing they have been praying for come to pass.”

Kinabibilangan ang samahan ng apat na pangunahing pangkat panrelihoyon: ang Simbahang Katoliko, Islam, ang Protestant o evangelical group, at mga charismatic.

Dumating ang panawagan ng panalangin para sa kapayapaan sa gitna ng isang buwang sagupaan sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at mga terorista sa Marawi City.

Kinumpirma ni LingayenDagupan Archbishop Socrates Villegas na naanyayahan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines upang makiisa sa panawagang ito at umayon ang mga obispo.

Nabuo ang pangalan ng samahan mula sa “pasa load,” na ang ibig sabihin ay magpasa ng load sa mga naka-prepaid na cell phone.

“We pass on to the Lord the problems of our nation that weigh us down, woes that we are unable to or do not know how to overcome on our own,” anang samahan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.