Tren na MNL-CLark balak buksan sa 2020

Inquirer Libre - - NEWS - Jovic Yee

NINANAIS ni Transportation Secretary Arthur Tugade na mabuksan ang linyang ManilaClark ng Philippine National Railway (PNR) sa 2020, o isang taong maaga sa inaasahan.

Batay sa pagsusuri ng Japan International Cooperation Agency (Jica), matatapos ang sistema sa huling kwarter ng 2021. Ngunit sa palatuntunan ng pagtutukoy sa limang unang himpilan noong Lunes, hiniling ni Tugade sa mga opisyal na Hapon na tumutulong sa pamahalaan sa P255-bilyong proyekto na paagahin nang isang taon ang pagbuo.

Dinagdag pa ng kalihim: “What they want is to finish the entire project. But if you wait for it to be finished, it may take a long time. If we can have an engineering system within which we can partially operate, that would be good.”

Wala na umanong atrasan ang proyekto, ani Tugade.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.