Beermen determinado

Inquirer Libre - - SPORTS - Ni Angelito Oredo Bandera

SUNGKITIN ang una sa dalawa nitong kailangang panalo ang tatangkain ngayon ng San Miguel Beer sa muling pakikipagharap nito sa pilit na babangon sa dalawang sunod na kabiguan na TNT KaTropa sa Game 4 ng PBA Commissioner’s Cup title series sa Smart raneta Coliseum.

Inaasahang ipapakita muli ng Beermen ang kalidad nito sa kampeonato sa ganap na alas-7 ng gabi sa pagnanais na maiuwi ang ikatlong sunod na panalo na maglalapit dito sa pangkalahatang ika-24 titulo sapul sumali sa pagbubukas ng propesyonal na liga noong 1975. Huling binigo ng Beermen, na nasa ika-38 nitong finals appearance, ang TNT KaTropa noong Linggo sa mainitang Game 3 sa iskor na 109-97 upang agawin ang 2-1 abante kahit pa hindi masyadong nakalaro Game 1: TNT KaTropa 104 SMB 102 Game 2: SMB 102 TNT KaTropa 88 Game 3: SMB 109 TNT KaTropa 97 LARO NGAYON 7:00 pm-- San Miguel Beer vs TNT Katropa ang import na si Charles Rhodes na nabigyan ng limang foul. Huli nitong iniuwi ang 102-88 panalo sa Game 2.

Nagkaroon din ng mainitang komprontasyon sa pagitan nina Beermen pointguard Chris Ross at KaTropa guard Ryan Reyes sa kalagitnaan ng ikalawang yugto na halos umabot sa pagkakaroon ng suntukan dahil naman sa insidente na kinapapalooban ng dalawang TNT import reserve na sina Mike Myers at Mike Craig.

Ang dalawang import ay una nang nasangkot sa thrash-talking kontra kina Ross at iba pang SMB players at kailangang paalisin sa VIP row. Gayunmna, lumipat ito sa likod ng TNT bench, bago muling nasangkot sa sagutan kontra sa personalidad ng SMB habang papasok sa dugout sa halftime break.

Umaasa naman ni TNT coach Nash Racela na maitatabla nito ang serye kasama pa rin ang import na si Joshua Smith na patuloy na iniinda ang injury nito sa kanang paa.

“No, no. We're not even thinking about that at this point, we're not thinking about that at this point. Again, we've identified the problem with the turnovers, so that's something that we really need to address. Well we committed a lot of turnovers today, that's basically the problem. We had 23 turnovers that resulted to 26 turnover points. So, that's one problem that we need to really address for Game 4,” sabi ni Racela.

“Well it's always a combination, because of their defense, because of poor execution on our part. So we need to really look at that. I think the focus was better today, but if you look at the second half, the guards of San Miguel took over eh. So we need to defend that better,” sabi pa ni Racela.

Mayroon naman hanggang sa Miyerkules ng tanghali ang KaTropa para pagdesisyunan kung tuluyan nito papalitan ang import para isagupa sa krusyal na Game 4.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.