CdSL-V Hotel kampeon ng MBL Open

Inquirer Libre - - SPORTS -

NAUNGUSAN ng Colegio de San Lorenzo-V Hotel ang top favorite FEU-NRMF-Gerry's Grill, 87-85, sa isang makapigil- hiningang sagupaan at makumpleto ang isang Cinderella story sa 2017 MBL Open basketball championship.

Nagpakitang- gilas si Soulemane Chabi Yo sa kabuuan ng hitik sa aksyon na labanan upang pangunahan ang tila fairytale finish ng Griffins laban sa itinuturing na super team ng Tamaraws.

Si Chabi Yo, ang 6- 6 import mula sa Benin, ay umiskor ng 28 puntos sa kabila ng mahigpit na depensa nina FEU imports Moustapha Arafat at Kareem Abd u l upang pamunuan ang Griffins nina CdSL president Ri- na Monique Balgan, executive director Dr. Pedro Lora, manager Jimi Lim at coach Boni Garcia sa una nitong titulo sa MBL.

Ang African import, na nahirang na Most Valuable Player ( MVP), ay nagpasiklab s a kanyang mga high-flying moves at monster slam dunks na nagbigay kasiyahan sa mas nakahihigit na FEU crowd na kinabibilangan ni school owner Nino Reyes. MGA ISKOR: CdSL-V Hotel 87 -- Chabi Yo 28, Formento 19, Gabriel 15, Callano 11, Baldevia 7, Borja 4, Castanares 2, Rosas 1, Laman 0. FEU-NRMF-Gerry's Grill 85 -Bautista 18, Arafat 11, Manalo 11, Morales 11, Crellin 9, A. Santos 6, Gaco 4, Sta. Maria 4, Tan 3, Zamora 3, Abdul 2, Santos 2, Gumabay 1, Camacho 0. Quarters: 29-18, 48-34, 68-54, 87-85.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.