Palit-bihag na inaalok ng Maute hindi kinagat ng pamahalaan

Inquirer Libre - - NEWS - Nina Jeoffrey Maitem, Richel Umel, Karlos Manlupig at Philip C. Tubeza @Team_Inquirer

MARAWI City—Tinanggihan ng pamahalaan ang alok na palit-bihag ng mga teroristang tapat sa Islamic State na nagkukuta ngayon sa Marawi, habang pumapasok na sa ikaanim na linggo ang bakbakan sa puno ng pambobomba ng mga eroplano ng militar sa lumiliit na sakop ng terorista.

“It’s not possible. We do not negotiate with terrorists,” ito ang sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza sa INQUIRER sa pamamagitan ng telepono.

Diniin naman ni Presidential spokesperson Ernesto Abella ang patakaran ng pamahalaan na hindi nakikipagnegosasyon sa mga terorista.

“[The] government’s policy not to negotiate with terrorists remains,” wika ni Abella sa mga reporter sa Malacañang.

Sinabi tin niyang hindi alam ng pamahalaan at militar ang nangyaring pulong noong Linggo sa pagitan ng mga emisaryong Muslim, kabilang ang mga pinunong panrelihiyon at mga terorista.

“Any demands made inside therefore hold no basis. Let us remind the public, the gravity of the terrorists and their supporters’ offenses is immense and they must be held accountable for all of their actions,” aniya.

Isang source na nagpunta sa conflict zone sa Marawi kasama ang mga emisaryo na nakipagusap sa mga terorista ang nagsabi sa INQUIRER noong Lunes na pinaalam ni Abdullah Maute, isa sa mga pinuno ng mga terorista, na buhay si Fr. Teresito “Chito” Suganob, ang vicar general ng Marawi, na dinukot nila nang lusubin ang lungsod noong Mayo 23 at maaari nila itong palayain kung palalayain ng pamahalaan ang kaniyang mga magulang at mga kamag-anak na nadakip naman ng mga pulis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.