‘Piitan’ ni Imee Marcos hinahanda na

Inquirer Libre - - NEWS - DJ Yap

INIHANDA na ang “detention chamber” para kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa Kapulungan ng mga Kinatawan kung hindi pa rin siya sisipot sa susunod pagdinig sa Kongreso tungkol sa umano’y maanomalyang pagbili ng kaniyang lalawigan ng mga sasakyan na nagkakahalaga ng P66.45 milyon noong Martes.

Binalaan ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, chair ng House good government and public accountability committee, si Marcos na makakasama niya ang anim pa niyang kasamahan sa lalawigan sa piitan kung hindi siya sisipot sa pagdinig na nakatakda sa Hulyo 25.

Binanggit ng komite ni Pimentel ang tinaguriang “Ilocos Six” dahil sa contempt sa pagtangging sagutin ang mga tanong tungkol sa anomalya. Nakapiit sila sa Batasang Pambansa complex sa Quezon City noong pan Mayo 29.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.