P1B nilabas kontra 5-6

Inquirer Libre - - NEWS - Philip C. Tubeza

MABISA ang kampanya ng administrasyong Duterte na supilin ang “5-6 loan sharks,” ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez noong Martes.

Sinabi ni Lopez na dahil sa paglulunsad ng programang Pondo Para sa Pagbabago at Pag-Asenso (P-3), na may paunang pondong halos P1 bilyon, bumaba ang interes na sinisingil ng mga nagpapautang.

“At least from what we heard in regions and provinces where we are distributing the loans, the interest cost of the ‘5-6’ has gone down,” aniya sa mga reporter.

“They said it has now gone down to 5 percent a month when, before, it was 20 percent per month. It was really usurious. Sometimes, it was even 20 percent per day or per week, depending on your needs,” dinagdag niya.

Layunin ng P- 3 na mabigyan ang mga maliliit na negosyo ng alternatibong mapagkukuhanan ng pondo. Maaari silang umutang ng P5,000 hanggang P100,000 nang walang kolateral at may maximum na buwanang interes na 2.5 porsyento.

Sinabi ni Lopez na nais ng Department of Trade and Industry (DTI) na pataasin ang pondo ng programa saP30 bilyon sapagkat ito ang naiulat na kabuuang halagang pinautang ng “loan sharks” sa bansa.

“So, if we are really to replace all the 5- 6, we should have that fund. P1 billion is fine at the start,” pagpapatuloy pa ng kalihim.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.