2 pelikulang Pinoy sa Switzerland

Inquirer Libre - - SHOW BUZZ - Bayani San Diego Jr.

DALAWANG pelikulang Pilipino ang ipalalabas sa Switzerland. Kalahok ang katatakutang Pwera Usog ni Jason Paul Laxamana sa New Cinema from Asia section ng Ika-17 Neuchâtel International Fantastic Film Festival mula Hunyo 30 hanggang Hulyo 8.

Pinuri sa website ng pista ang pelikulang Pilipino bilang “outstandingly entertaining ... mixing genres and cultures to deliver spectacular supernatural action.” Ikinuwento sa pelikula ang isang pangkat ng mayayamang kabataang nagkandamalas-malas makaraang isumpa ng isang palaboy na babae.

Tampok naman sa programang Asian Shorts ng Neuchâtel fest ang pelikula ni Ogie Tiglao na Luntiang Paraiso, na nilarawan sa website nito bilang “crossboundary romance” sa pagitan ng isang lalaki at isang puno.

Iti nut ur in gang pis tang Neuchâtel bilang “one of the foremost genre cinema events in the world.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.