Joshua Smith hindi pinalitan

Inquirer Libre - - SPORTS - Musong R. Castillo

HAHARAPIN ng San Miguel Beer ang kaaway na tinalo nito sa huling dalawang laro matapos magdesisyon ang TNT KaTropa na hindi palitan si Joshua Smith sa PBA Commissioner’s Cup title series. Puntirya ng Beermen na kunin ang 3-1 agwat sa Game 3 ngayon sa Smart Araneta Coliseum. Gagawin ang laro 7 p.m. at malalagay sa malalim hukay ang kampanya ng Texters kung hindi nila maitatabla ang best-of-seven title series. Minabuti ni TNT coach Nash Racela na hindi palitan si Smith. ‘‘We have to limit our turnovers,” wika ni Racela. Dumalaw sa praktis ng Texters sa Moro Lorenzo Gym sa Ateneo si team owner Manny V. Pangilinan na sumabay sa tanghalian ng koponan. Handa ang Beermen sa pagbabalik ng Texters. “We’re ready for their bounce back,”wika ni San Miguel Beer coach Leo Austria.. “We know that they will be back and have to stop that. We need to be prepared for that because TNT is such a talented team.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.