BATTLE OF BRISBANE

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Ni Angelito Oredo Bandera

WALANG pinakawalang maaanghang na salita si Pinoy ring icon Manny Pacquiao at Australian challenger Jeff Horn sa pagharap nila sa mga mamamahayag bago ang kanilang sapakan Hulyo 2 sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia. Paborito ang ‘Fighting Senator’ na mapanatili ang titulong WBO welterweight.

INAASAM ni Hall of Fame Trainer of the Year awardee Freddie Roach na lumabas muli ang malamaso na kamao at mabalasik na lakas ng defending champion na si Manny Pacquaio ilang araw bago ang pagsambulat ng Battle of Brisbane sa Linggo, Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.

“I ’ve been waiting for a knockout for a long time now, “sabi ni Roach sa isinagawang media conference para sa laban kung saan itataya ni Pacquaio ang kanyang WBO welterweight belt kontra sa local hero sa Australia na si Jeff Horn.

Asam mismo ni Roach na maitala ni Pacquaio ang pinakaimpresibong panalo sapul na huli itong makapagpabagsak ng kanyang kalaban upang magkaroon ng linaw ang isa pang laban kontra kay Floyd Mayweather o tuluyan nang pagreretiro.

‘‘Against Mayweather, you have to look good against an opponent, you have to be impressive. If Manny struggles in this fight, it could be over,’’ sabi ni Roach.

Asam agawin ng 29-anyos na school teacher na si Horn na sasagupa sa pinakamatinding laban sa nagsisimula nito na propesyonal na boxing career ang WBO belt ni Pacquaio sa laban na gaganapin sa Suncorp Stadium.

Bitbit ni Horn ang 16- 0- 1 at 11 knockout na kartada kontra sa 38-anyos na si Pacquaio na ipinagmamalaki naman ang kabuuang 59-6-2 at 38 knockout.

‘‘I expect Manny's best in this fight. I am looking for a big win here,’’ sabi ni Roach.

REUTERS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.