Dole umaasang dadami ang mga trabaho, ngunit ayaw pakatiyak ng labor groups

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Ni Tina G. Santos @santostinaINQ

NANINIWALA si Labor Secretary Silvestre Bello III na nakakalikha ng mga trabaho ang ekonomiya at diniin ang pagbaba ng bilang ng walang trabaho.

Ngunit walang nakikitang katiyakan ng trabaho sa bansa ang mga samahan ng mga manggagawa isang taon mula nang maluklok si Pangulong Duterte.

“We now have higher employment rate, more rational and responsive wage levels. And while labor is more protected in terms of benefits and occupational safety, management and employers are given favorable business flexibility and investment recovery,” wika ni Bello.

Nakita sa pinakabagong serbey ng Philippine Statistics Authority na bumaba sa 5.7 porsyento ang walang trabaho o unemployment mula sa 6.1 percent noong isang taon.

Bagama’t bumaba ang unemployment, nananatili mataas ang bilang ng walang trabaho sa mga kabataan o mga nasa gulang na 15 hanggang 24. Ito ang pangkat na bumubuo sa kalahati ng mga walang trabaho.

Sinabi ni Bello na naniniwala ang Department of Labor and Employment (Dole) na mahaharap ang kawalang ng trabaho ng mga kabataan, lalo na at nailatag na ang mga program bilang mga batas upang maitaas ang “employability” ng sektor.

Isa pang palatandaan sa serbey ay ang pagbaba ng underemployment mula sa 18.3 porsyento na 16.1 porsyento na ngayon.

“This means improvement in the quality of employment as the number of underemployed persons has decreased from 7.431 million in April 2016 to 6.468 million in April 2017,” ani Bello.

Binanggit din niya ang President’s Development Plan upang mapababa ang unemployment sa 3 hanggang 5 porsyento sa taong 2022.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.