Andanar: DU30 hindi superman

Inquirer Libre - - FRONT PAGE -

DAHIL muling nawala sa paningin ng madla si Pangulong Duterte—ang pinakahuli anim na araw—lumutang si Secretary Martin Andanar, dating tagapagsalita ng Malacañang at pinuno ngayon ng Presidential Communications Office , kasama si Ernesto Abella.

“He is not Superman. He is not the Six Million Dollar Man or the Bionic Man. He is not a robot,” sinabi ni Andanar noong Miyerkules sa lingguhang Kapihan sa Manila Bay.

“President Duterte is also human and he also gets tired,” aniya. “If you ask me, let’s just give leeway to the President to have time to work alone, to work in the silence of his own office, to rest so that he could rejuvenate.”

Hindi nakita ng madla si G. Duterte mula Hunyo 12 hanggang 16, at muli mula Hunyo 21 hanggang 26. Sinabi ng Malacañang na “tired” lang ang Pangulo at kailangang magpahinga.

“We saw at the Eid al- Fitr dinner in Malacañang that he’s really healthy. In fact, he gained some weight probably because he was able to rest and that is very important for us— that our President is healthy and that he is in control,” ani Andanar.

“All chief executive officers can work even if they’re not heard on radio, seen on TV, or read in newspapers,” pagpapatuloy pa niya.

Nang tanungin kung “new normal” na ito, sinabi ni Andana na “I can’t say if that’s going to be normal.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.