Taga-Marawi nag-aaral na sa Makati

Inquirer Libre - - NEWS - Erika Sauler

PITONG mag- aaral na lumikas mula sa Marawi City ang tumanggap sa alok ng University of Makati ( UMak) na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa pamantasang pinalalakad ng lungsod.

Bagama’t nagsimula na ang klase noong Hunyo 19, naging bukas ang admission office ng UMak para sa mga nais lumipat mula sa Marawi at mga anak ng mga napaslang na sundalo.

“We welcome students from Marawi who would like to pur- sue their college education as scholars of the city government,” wika ni Mayor Abby Binay.

Dalawa sa mga lumipat ay mga junior at sophomore na kumukuha ng management accounting. Ang iba naman ay tinatapos ang enrollment sa Grade 11 senior high school, nasa unang taon ng information technology service management, civil engineering junior, at dalawang management accounting junior.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.