Pacquiao ‘hindi kondisyon’

Inquirer Libre - - SPORTS - Ni Roy Luarca @rluarcaINQ

BRISBANE, AUSTRALIA—Hindi kumbinsido ang trainer ni Jeff Horn na si Dundee Kim na napakaganda ng kondisyon ni Manny Pacquiao.

“It’s rather strange, but Pacquiao looks like he didn’t prepare the work,” sabi ni Kim sa mga mamamahayag matapos ang press conference ng “Battle of Brisbane” Miyerkules sa Suncorp Stadium. ‘‘He’s not ready.”

Sinabi ni Kim, isang Koreano na naging Australian citizen, na hindi sapat ang tatlong linggong pagsasanay ng Fighting Senator upang mapanatili ang titulong World Boxing Organization.

“It seems he underestimates Horn, and that’s a mistake.”

Sinabi ng conditioning coach ni Horn na nakita niya ang kondisyon ni Pacquiao sa You Tube and Facebook. Pinuna rin ni Kim ang kulay ng mukha, mga mata at kilos ni Pacquiao.

“His ( Pacquiao) feet isn’t moving, his head isn’t moving, his power isn’t ready,” diin ni Kim na naniniwalang gugulatin ni Horn ang mundo sa pamamagitan ng pagtalo kay Pacquiao.

JEFF Horn

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.