Senador laban sa dating titser

Inquirer Libre - - SPORTS - Ni Roy Luarca @rluarcaINQ

BRISBANE, AUSTRALIA—Kagalang-galang ang dalawang mandirigma suot ang mga mamahaling kasuotan. Hindi rin sila nagpalitan ng maaanghang salita sa press conference ng ‘‘Battle of Brisbane’’Miyerkules. Trabaho lang kina Manny ‘‘Fighting Senator’’ Pacquiao at Fighting school teacher Jeff Horn ang kanilang laban Linggo para sa titulong WBO welterweight.

“Though Pacquiao is the smaller man, he’s the biggest mountain I have to climb,” sabi ni Horn na hindi pa natatalo salooob ng 17 laban kontra sa mga katunggaling hindi kilala.

Si Pacquiao at 5-foot-6 samantalang 5-foot-9 si Horn.

Kaiba sa mga ibang pandaidigang laban, hindi matatalim ang tingin nina Pacquiao at Horn sa isa’t-isa.

Sinabi ni Pacquiao na inspirado siyang lumaban sa Suncorp Stadium na sinasabing mapupuno ng hindi kukulangin sa 50,000 tagasubaybay.

Sinabi ni Pacquiao na hindi siya nababahalang karamihan sa mga miron ay pabor kay Horn.

Diniin ni Horn na matindi ang kanyang pagsasanay upang talunin si Pacquiao na sinabing hindi niya alam kung anong kahihinatnan ng boksingan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.