3 Pilipino pasok sa talaan ng Forbes ‘Heroes of Philanthropy’

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Ni Doris Dumlao-Abadilla @Philbizwatcher

NAKASAMA ang dating aktres at modelong si Nanette Medved-Po, na nagtitinda ng bottled water upang makatulong sa pagpapatayo ng mga silid-aralan sa buong bansa, sa talaan ng “Heroes of Philanthropy” ng Forbes Magazine para sa taong 2017.

Kabilang din sa talaan ng 40 sa mga natatanging donor sa Asya Pasipiko ang magpinsang sina David at Daniel Zuellig, ang mga namumuno sa Zuellig Family Foundation na nagsasanay sa mga gobernador, alkalde at mga staff hinggil sa leadership at good governance.

Simula pa noong taong 2008, kinikilala ng taunang talaan ng Forbes ang mga pilantropong hindi lamang napabalita dahil sa kanilang mga donasyon kung hindi iyon ding mga matatagal nang sumusuporta sa mga bagay na may natatanging layunin. Kasama sa mga pinaparangalan ang mga bilyonaryo, negosyante, at mga kilalang tao.

Kasama nina Po at ng mga Zuellig ang Tsinong basketball superstar na si Yao Ming sa talaan para sa taong ito.

Sa pamamagitan ng kanyang Yao Foundation, na may taunang badyet na halos $2.5 milyon, tumutulong at nagsasanay ang dating manlalaro ng NBA ng mga mag-aaral sa malala- yong lugar sa Tsina na walang mga programa para sa physical education, ulat ng Forbes.

Si Po, 46, ang nagtatag, chair at pangulo ng Generation Hope & Friends Of Hope. Binibigay ng Generation Hope ang lahat ng kinikita nito sa pagtitinda ng mga Hope in a Bottle bottled water sa Friends of Hope, isang nonprofit organization na nagtatayo ng mga silid-aralan.

Nagsimula ang program naman ng Zuellig na pinapalakas ang leadership at good governance para sa mga local government at health official noong 2009 para sa siyam na bayan. Umabot na ito sa 640 bayan sa ngayon, o 42 porsyento ng mgayunit sa bansa, at kaakibat ang Department of Health, United Nations at Estados Unidos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.