Ugnayang PH-Pransiya ginunita sa selyo

IKA-70 ANIBERSARYO

Inquirer Libre - - FRONT PAGE -

INILUNSAD ng Philippine Postal Corp. (PHLPost) ang joint commemorative stamps tampok ang mga obrang iginuhit ng sikat na Pilipinong pintor na si Macario Vitalis at French artist na si Jacques Villon bilang paggunita sa ika-70 taong anibersaryo ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng bansang Pransya.

“PHLPost is proud to present paintings of great Filipino artist Macario Vitalis and French painter Jacques Villon presented in miniature form or postage stamps which signifies common engagement, through friendship, and historical ties of both countries,” pahayag ni Postmaster General Joel Otarra.

Isang Pilipinong modernist painter si Macario Cruz Vitalis (1898-1990), na naimpluwensiyahan ng French Post-Impressionism. Isinilang siya noong 1898 sa isang maliit na bayan ng Lapog sa lalawigan ng Ilocos Sur. Maaga siyang umalis ng Pilipinas at nagbaka sakali sa Estados Unidos noong 1917.

Nag-aral si Macario sa isang Art School sa San Francisco. Nilisan niya ang Estados Unidos at tumulak papuntang Pransya noong 1927 upang mag-aral sa tanyag na Academie de Montmarte. Dito, itinayo niya ang kanyang art studio sa Paris Puteaux.

Taong 1975 nang hirangin siyang kaisaisang “honorary citizen” ng Ple’stin-lesGre’ves, Britanny, ang lugar kung saan siya nanirahan. Noong 1984, tinanggap naman niya ang medalya ng karangalan sa tanyag na Institute Academique de Paris.

Isang French cubist painter at printmaker si Jacques Villon (1875-1963). Isinilang bilang si Emile Mery Frederic Gaston Duchamp sa Damville, Eure, sa Normandy, Pransya, sa isang tanyag at talentadong pamilya.

Upang magkaroon ng sariling pangalan sa larangan ng sining, ginamit niya ang pangalang “Jacques Villon” bilang pag-alaala sa French medieval poet na si Francois Villon.

Maliban sa pagpipinta, naging abala rin siya sa graphic media, sa paggawa ng cartoons at illustrations sa Parisian newspapers.

Nagsimula ang ugnayang pandiplomatiko sa pagitan Pilipinas at ng Pransya noong Hunyo 26, 1947, sa pamamagitan ng paglagda sa Treaty of Friendship sa Paris, Pransya ng noo’y Philippine Vice President Elpidio Quirino at French For- eign Minister Georges Bidault, matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.

Ito ang hudyat ng kasarinlan ng Pilipinas sa kamay ng mga Amerikano noong Hulyo 4, 1947.

Naglimbag ang PHLPost ng 110,000 kopya ng P12 at P55 denominasyon ng nabanggit na commemorative stamps.

Ang stamps at official first day cover ay mabibili sa Post Shop, Central Post Office, Window 04, Liwasang Bonifacio sa Maynila at mga area post offices sa buong bansa. Para sa karagdagang detalye, tumawag sa 527-0108 o 527-0132.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.