Rating ni DU30 bumababa, ngunit mataas pa rin

Inquirer Libre - - NEWS - Inquirer Research

BUMABA ang mga rating ni Pangulong Duterte nitong Marso mula noong Setyembre, ngunit nananatili pa ring mataas ang mga ito, ayon sa mga serbey ng Social Weather Stations ( SWS) at Pulse Asia Inc.

Sa serbey ng Pulse Asia noong Setyembre, nasa 86 porsyento ang approval at trust ratings ng Pangulo. Ngunit nitong Marso, bumaba ang approval rating sa 78 porsyento at 76 porsyento naman ang trust rating.

Sa serbey naman ng SWS noong Setyembre, nagtala ang Pangulo ng “very good” na net satisfaction rating (satisfied minus dissatisfied) na +64. Bahagya itong bumaba sa + 63 noong Disyembre at nitong Marso.

Bumaba naman ang trust rating niya sa + 70 nitong Marso mula sa “excellent” na + 76 noong Setyembre.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.