San Beda Red Lions tutok sa kasaysayan

Inquirer Libre - - SPORTS - Ni Angelito Oredo Bandera

MINSAN pa na agad nakatutok ang San Beda Red Lions sa pagbabalik ng dati nitong coach para giyahan ang mas malalim na komposisyon at mas humusay na si Robert Bolick sa kampeonato sa nalalapit na pagsisimula ng 93rd NCAA basketball tournament sa Hulyo 9 sa MOA Arena sa Pasay City.

Nagbabalik si Boyet Fernandez matapos giyahan ang Lions sa back- to- back NCAA championships noong 2013 at 2014 at ang beterano na si Bolick na magkasama sa pagpabagsak sa De La Sal le Arc hers, ang kasalukuyang UAAP champion, para iuwi ang Premier Cup at maging paborito na makaulit sa nakatayang korona ng NCAA. Papalitan ni Fernandez ang ngayon ay National U coach na si Jamike Jarin kung saan agad nitong pinalantsa ang plano para ma- panatili ng San Beda' ang titulo habang inako ni Bolick ang responsibilidad at liderato matapos ang magaganda nitong kampanya para sa Red Lions.

‘ ‘ Our goal is to keep that NCAA trophy at San Beda and we expect it to be tougher after our recent victory,’’ sabi ni Fernandez na aasa kay Bolick upang pamunuan ang koponan.

‘‘"We're proud of what we've accomplished in the pre-season. But this doesn't mean going to be easy come NCAA after this. It will not, because we expect teams to prepare for us more,’’sabi naman ni Bolick.

Nanatiling buo ang kompo- sisyon ng San Beda na nagawang walisin ang Arellano U sa finals nakaraang taon kung saan tanging nawala ang dating captain na si Dan Sara habang naiwan sina Jayvee Mocon, Davon Potts, Jose Presbitero, Ben Adamos at Radge Tongco.

Dahil sa lalim ng talento ay nahihirapan mismo si Fernandez sa pagpili kung sino kina French Arnaud Noah, Nigerian Eugene Toba at Cameroonian Donald Tankoua ang isasabak ng husto ngayong taon.

Maliban sa mga beterano ay ipaparada din ng San Beda ang pares ng mahuhusay na manlalaro mula Ateneo sa katauhan ni Clint Doliguez at 6-8 Kenmark Carino.

Sina Doliguez at Carino ay nagbigay i mportansiya sa malakas na paglalaro sa pre-season ng San Beda.

‘‘ They are our energy guys and we expect them to be an integral part of our campaign,’’ sabi ni Fernandez.

VARDELEON SHERWIN

PAMBATO SASANDAL ang San Beda Red Lions kay dating DLSU guard Robert Bolick.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.