Integridad ng halalan ng 2016 pinagtibay ng Korte Suprema

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Ni Marlon Ramos @MRamosINQ

NAKUHA ni Vice President Leni Robredo ang unang round sa laban niya kay dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ibasura ng Korte Suprema, na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), ang tangka nitong maipawalang-bisa ang proklamasyon sa pangalawang pangulo.

Sa 34-pahinang resolusyon, inutusan din ng PET ang anak at kapangalan ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos na isumite ang talaan ng mga saksi para sa Third Cause of Action ng kanyang protesta limang araw matapos itong opisyal na tanggapin ang kautusan Agosto 29.

Sinabi nito na kailangan ay hanggang tatlo lamang ang mga saksi bawat cluster precinct sa tatlong lalawigan na ibibigay ng electoral body.

Ibig sabihin nito, kailangang maglabas si Marcos ng 8,100 na saksi mula sa may 2,700 na clustered precinct mula sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Nagpahayag ng tiwala ang abogado ni Robredo na si Romulo Macalintal na mauuwi sa tuluyang pagbasura ang electoral protest ni Marcos at sinabing ang ginawa ng PET ay isang pagtitibay ng kredibilidad ng May 2016 automated balloting.

“The effect of this is that the integrity and credibility of the automated election system have been upheld by the Supreme Court,” wika ni Macalintal.

Sa pagbasura ng poll tribunal sa First Course of Action, hindi nito pinanigan ang argumento ni Marcos na ipawalang-bisa ang proklamasyon kay Robredo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.