Binay pinaaaresto ng Sandiganbayan

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Vince F. Nonato

NAKAHANAP ang Sandiganbayan ng sapat na batayan upang litisin si dating Vice President Jejomar Binay, anak na pinatalsik na Mayor Junjun Binay, 17 iba pang opisyal at dalawang pribadong tao kaugnay na pagpapatayo sa Makati City Hall car park building.

Pinagtibay ng hukuman ang paghahabla ng Ombudsman at nagpasyang “more likely than not,” may nangyaring malversation, falsification of public documents at paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

“There is probable cause to issue warrants of arrest against all the accused and to hold them for trial,” nakasaad sa pasya ng hukuman.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.