Batang nawala kasabay ni Carl natagpuang tadtad ng saksak

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Nina Armand Galang, Krixia Subingsubing, Aie Balagtas See at Marlon Ramos

GAPAN City—Natagpuan ang 14-taong-gulang na kaibigan ng pinatay na suspek sa panghoholdap ng taxi na si Carl Angelo Arnaiz na tadtad ng saksak Martes dito at nagtulak sa ama na bumiyahe dito mula sa Maynila upang kilalanin ang bangkay.

Kinumpirma ni Eduardo Gabriel, 42, na ang bangkay ay ang kanyang anak na si Reynaldo, na natagpuang nakalutang sa Kinamatayang Kabayo Creek sa Barangay San Roque dito.

Humingi ng tulong ang pamilya sa pamahalaan na hanapin si Reynaldo na huling nakita sa Cainta, Rizal, noong Agosto 17 kasama ang mga kaibigan ni Arnaiz, na dating mag-aaral ng University of the Philippines na pinatay ng mga pulis sa umano’y shootout kasunod ang paghoholdap umano sa isang taxi sa Caloocan City noong Agosto 18.

Nakabalot ng packing tape ang ulo ni Reynaldo. Mayroong tatlong saksak sa katawan, sa ulo at sa dibdib, ayon kay Supt. Peter Madria, hepe ng Gapan police.

Nakilala ni Gabriel ang anak sa isang morge kahit pa namamaga na ang ulo ng bata.

Sinabi niyang mayroong butig o wart sa ibaba ng tuhod at marka ng opera sa kaliwang paa mula sa operasyon noong bata pa ito.

“The police are sons of bitches. They act as if they do not have children or parents,” wika ni Gabriel sa Filipino.

LYN RILLON

REJECTED KAPILING ng na-reject na Department of Agrarian Reform Secretary Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano ang mga taga-suporta niya sa labas ng gusali ng Senado sa Pasay City kahapon makaraang ibasura ng Commission on Appointments and pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Duterte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.